Biyernes, Agosto 8, 2008

IGOROT: ipagmalaki natin sila...

"I am an Igorot. Let me be treated as I deserve- with respect if I am good, with contempt if I am not good, irrespective of the name I carry. Let the term, Igorot, remain and the world will use it wih the correct meaning attached to it..."


Minsan na ba ninyong narinig ito?! Kung ako ang tatanungin, "oo" an dagli- dagli kong isasagot. Makailang beses ko nang nabasa sa intenet, dyaryo, at sa mga libro at makailang beses ko na ring narinig ito sa mga radyo't telebisyon. Sa katunayan nga, narinig ko na ito kay Marky Cielo- isang Igorot na minsan ay namumuhay nang simple, eh, nagyon ay isa nang sikat na aktor sa telebisyon mula nang manalo siya sa talent show ng GMA- 7 na Star Sruck.

Ayon sa mga Espanyol, ang salitang Igorot ay ginagamit para pangkalahatang tukuyin ang mga taong naninirahan sa mga kabundukan nga Hilagang Luzon, kasama na rito ang Pangasinsn, Iocos Sur, Benguet, Bontoc, at Ifugao. Sa kabiguan nilang sakupin ang kabundukan ng Cordillera sa paghahanap nila ng ginto sa panahon ng ikalawng siglo ng kanilang pananakop, hindi na nila ginamit ang salitang Igorot sa ibang tribong naninirahan sa ibang lugar sa Corillera at dahil dito ginagamit nalang nila ang pangalan ng lugar kung saan sila naninirahan para sila ay tukuyin.

Sa diskripsyon ng mga misyonaryong Espanyol, ang mga Igorot raw ay mga taong malalakas at matatapang at kung ikukumpara sila sa mga taong naninirahan sa baba ng bundok, sa mga kapatagan, mas matatalino daw ang mga Igorot.

At hindi lang iyon. Alam n'yo rin bang sa balak na pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera at makuha ang kontrol sa mag gintong mina, sila ay nabigo dahil sa pag- ayaw ng mga Igorot?!! Oo!! Sa tatlong siglong kolonisasyon nng Espanya sa Pilipinas, nanatiling matatag an mga Igorot at ipinalaban nila ang kanilang kultura't tradisyon kaya nga magpahanggang ngayon an mga kultura't tradisyon ng mga katutubong Pilipino ay ginagawa pa rin nila, na noon ay ginagawa rin ng ibang Pilipino bago nila yakapin ang Espanya at ang Kristyanismo. Ang pangangaso at "Headtaking" ay iilan lamang sa mga halimbawa ng kultura o mga kagawian ng mga Pilipino na unti- unti nang naglalaho nang sakupin at manging kolonya tayo ng espanya. Pero dahil sa pagpapahalga ng mga Igorot dito, pinanatili pa rin nila ang kulturang ito at ginamit din nila itong pandepensa sa mga tribon kaawaya nila at maging sa mag Espanyol.




minsan na ba ninyong naitanong sa mga sarili ninyo kung bakit parang madali lang sa mga Espanyol na sakupin tayo?!! ano kaya ang mga ginawa nila para maging kolonya tayo nila?!!..
tuklasin natin....


Nakakatawa mang sabihin pero ang mga Pilipino ay tumluong sa mga Espanyo na manatili at panghawakan ang pamamalakad sa Pilipinas sa mahigit na tatlong siglo. Kung hindi dahil sa mga Pilipino, hindi magagamit ng Espanya ang pilipinas na base sa Asya.

Patuloy itong nangyari, at sa kasamaang palad, hindi man lamang tayo nasuklian. Nakuha nila an mag bagay na gusto nila- bahay, lupa, trabaho at ang masaklap pa ay inagaw sa atin ang pamamahaa sa sariling bansa.

Ngayon, balik tayo sa naunang tanong.. "Bakit kaya tayo nasakop ng Esanya?! Papaano kaya tayo nila sinakop?!"

Ganito kasi iyon...

Una, ang mga Pilipino noon ay walang pagkakaisa. Hindi nila iniisip na sila ay nabibilang sa isang nasyon at dapat na magkaisa para matustusan an pangangailangan ng bawat isa. Dahil dito, naging madali para sa mga Espanyol na sakupin tayo. Isa ito sa mga istratehiya nila.

Pangalawa, ginawa nilang Katoliko an mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibinya sa mga Pilipino at pagtuturo sa kanila na maging tapat sa Espanya at sa mga opisyal at pari na nabinyag sa kanila o nakialam sa pagiging Kistyano nila.

Panagatlo, binigyan ang mga PIlipino ng mga regalo at mga premyo ng mga Espanyol. Binibigyan nila ang mga taong sumusunod sa mga patakaran at sa ma gusto nilang mangyari. Ang mga timiwalag ay pinaparusahan at pinapatay. Ang mga Pilipinong nagtitiwala sa mga Espanyol ay binibiyan ng posisyon sa lokal na pamahalaan tuad ng gobernadorcillos at cabezas de barangay kapalit n pagtitiwala at pagsunod nila sa mga Espanyol.

Nakakatawa noh?! tayo mismo ang nagtulak sa mga Espanyol na sakupin tayo?! isipin kaya natin, kung hindi tayo nagpadala sa mga panglilinlang sa atin ng ma Espanyol, ano kaya ang katayuan natin ngayon?!!... hmmmm...


REPRODUCIVE HEALH BIL?!!.. hmm.. Ayon sa huling tala ng National Statistics Office, tatlo kada minuto ang ipinanganganak sa bansa --- isang daan at walumpu bawat oras at mahigit apat na libo sa isang araw. Sa kasalukuyan, halos nasa siyamnapung milyon na ang bilang ng mga Pinoy at patuloy pang nadaragdagan. Sa laki ng bilang ng ito, isa na ang Pilipinas sa mga bansang "most populated" sa Asya. Isinusulong ngayon ng ilang mambabatas ang Reproductive Health Bill, batas na naglalayong pagtibayin ang ilang pamamaraan ng family planning tulad na lang ng paggamit ng mga alternatibong pamamaraan. Mahigpit ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa panukalang ito. Dahil dito, nagbabanggaan ngayon ang ilang pulitikong nag-e-endorso ng batas at ang Simbahan.

Kung kami ang tatanungin, isa iton magandang programang inimplementa n pamahalaan para masugpo an papalobong populasyon ng bansa sa ngayon na nagdudulo ng sobra- sobrnag kahirapan. Dahi sa palobo ng populasyon, nakakaroon tayo ng kakulangan sa mga pangunahing panganailangan natin- bahay, pagkain, atp.

Sa tingin namin, hindi naman masama ang proramang ito na tinututulan ng simbahan. Isa nga ito sa mga makakatulong sa atin nayon.

Isipin natin, tama rin ang simbahan sapagkat nilalabag nito ang batas ng Maylikha. Pero, hindi rin natin masisisi ang pamahalaan sa pagiimplementa nito at gayundin ang simbahan sa patutol dito. Isa lang ang maaaring sisihin.. Alam n'yo ba kung sino?! tayo mismo. Kung may disiplina lang tayo sa ating mga sarili hindi sana magiimplemena ang pamahalaan ng bill na ito..

tignanan nalang natin ngayon, marami nang mga teenagers ang nagbubunis na nakakadadag sa kahirapang dinadanas ng ating bansa.

diba tama ako?! kaya buksan na natin ang aitng mga mata tungkol dito. wala tayong ibang masisisi kundi tayo mismo...

nayon mga kababayan ko, sagutin n'yo itong tanong na ito..





Pagod Ka Na Bang Maging Si Juan?!




BANGSMORO, PILIPINO?!...



Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M'ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban'n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.Ang magkapatid ay halos magkapareho ng mga kaugalian, paniniwala sa mga salita at iba pang bagay. Ganoon din ang Pilipino at Bangsamoro, saan sila magkapareho?Ang kasagutan sa tanong, ay marami, ngunit magbibigay tayo ng ilang halimbawa; sa pagsasaya o merry making, paano nila ito ipinagdiriwang? pareho dito ang dalawa, sa mga Pilipino tuwing sumasapit ang Pasko o bagong taon, paputok ang common sa dalawa. Halos lahat na yata na pumuputok ay pinapuputok ng mga Pilipino, di baling gumasto ng kayaman pati buhay maipagdiwang lamang ang pasko o bagong taon ng may paputok.Sa mga Bangsamoro na Muslim, tuwing sasapit ang Id o katapusan ng Ramadan o itong darating na Id'l Adha, ang mga Bangsamoro kahit ito ay sinasabi ng ng mga nakakaalam o ng mga Uztadz na wala ito sa katuruan ng Islam ang pagpapaputok sila ay patuloy pa rin sa namana nilang kaugalian, ang nagpapaputok tuwing sasapit ang araw ng Id, tulad din sa mga Pilipino. Di baling may madisgrasya basta maipagdiwang lamang ang isang bagay na may putukan.Sa paghihiganti o vendetta ng isang kaanak na napatay, pareho sila dito, hindi mapalagay ang Pilipino at Bangsamoro na hindi maipaghiganti ang kapatid o kaanak na napatay o naapi, dito lamang sila medyo nagkakaiba, ang Bangsamoro, ay agad naisasakatuparan ang paghihiganti, bakit? dahil may armas na hawak hanggang sa ngayon, di tulad ng mga Pilipino na pinagbawalan ng mga Kastila o hanggang ngayon ng goberno na humawak ng sandatang nakakamatay. Samantala sa mga Bangsamoro, dahil sigoro sa hindi nagpasakop nanatiling hawak pa rin ang kanyang sandatang panglaban sa kalaban hanggang sa mga sandaling ito.Sa mga salita, o wika marami silang similarity ng pagbanggit sa parehong kahulugan, halimbawa: bahay sa Tagalog, balay sa Bisaya at walay sa Bangsamoro at marami pa kong ating ilalahad lahat.Kaya nararapat lamang na magmahalan, mag-unawan at magresptuhan ang dalawang angkan na ito dahil malapit silang mag-anak, maliban pa sa iisa ang pinamulang ng lahat ng tao kay Adan at Eba.

Isipin natin, ang Bangsamorong ito ay magpapakita ng pagiging matatag ng mga Pilipino.. Oo!! Dahil sa likod ng mga intrigang kinakaharap nila, nananatili pa rin silang nakatayo a pauloy pa rin nilang pinaglalaban an nais at pinaniniwalaan nila. Tulad na lamang ng pagpapalaganap ng islam sa Mindanao. Kung babaik tayo sa nakaraan, sa pananakop n mga Espanyo, makikita natin na tulad ng mga Bangsamoro, an mga Mualim ay nagkaisa na tutulan ang kagusuhan ng nga Espanyol at saka ipaglaban an kanilan relihiyon.. nakakamangha diba?!

Bakit kaya hindi tayo tumulad sa kanila.. ipinaglalaban ang sa tingin ay nararapa, maging buhay man natin ang kapalit...

ThinK iT oBer GuyZz..









3 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

BRAVO! isang magaling na perspektibo sa mga igorots. daan ka rin minsan sa aking blog. marami ring kapwa igorot bloggers ang nagsusulat sa WWW ngayon.

Blog of the Sagada Igorot
SaGaDa-iGoRoT.com

SupheriA Lee ayon kay ...

Nais kong sabihin na malaki ang pagbabago sa nilalaman ng inyong blog at mga artikulo. Ang inyong pagsulat tungkol sa mga Igorot at paglaban ng mga Bangsamoro ay tunay naman na kahanga-hanga sapagkat nabibigyan nito ng tamang puwang sa Ka-saysayan ng bansa at kanilang pagkadakila at pag-aalay ng buhay upang hindi masikil ang ating kalayaan.

Sa inyong pagsulat tungkol sa RH Bill naman ay puno ng mahahalagang impormasyon sapagkat isinulat ninyo ang kahalagahan ng alternatibong pamamaraan ng pagsugpo sa paglaganap ng pagdami ng populasyon.

Nais kong iparating ang aking kagalakan sa grupo. Pagbutihin pa ninyong lalo ang inyong konsepto at tema, ang layout at desinyo ng template. Maglagay rin sana kayo ng video o slideshow para mas higit na maging kaakit-akit ang inyong pahina.

Ang inyong marka ay 18.5/20 o 1.5!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Maraming Salamat.. sa pagbabasa mo sa aking article at paggamit sa nilalalamn nito.. sa...http://kakaalih.i.ph/blogs/kakaalih/2008/08/26/bangsamoro-at-pilipino-magkapatid/.. akoy labis na nagagalak lalot nagagamit ang aking mga nsgagawa.. ang tanging layunin naman natin ay ang makapagbigay tayo... information...ipagpatuloy